Saturday, June 10, 2006

ang pag gawa ng wala...

inip n inip ako dito sa bahay ngayon dahil sa wala ako magawa. natulog lang maghapon, at tumunganga. buti na lang ay may roller coaster tycoon ako dito sa bahay na napapagbuhusan ko ng aking oras para naman kahit papaano ay may magawa ako. hindi man productive atleast dumadaan ang oras ko at nauubos kesa naman sa pag gawa ng wala. (kaso ung unang version lang. built in video card lang kasi ang asa pc ko at hindi kaya ang mga upper versions nito. d ko din tuloy malaro sims... huhu)





tapos bigla nalang pumasok sa isip ko ang librong nabasa ko dati. na kung saan ay puro kahayupan ang mga nagsasalita at puro utak pilipinoang isinasagawa. andun ang isang hayop, na nakalimutan ko na kung ano, na nilapitan ng isa pang hayop, na isa yatang talangka, hindi ko na kasi maalala, at nagkita sila sa isang beach, o dagat basata mabuhangin nakatabi ng dagat o karagatan ata. nakita ni talangka si, let us name him hayop 1, hayop 1 sa beach nga nakatunganga. tinanong niya ito kung ano ang ginagawa nito.


(ang mga sumusunod ay hindi napatunayang totoong sinabi sa libro ngunit parang ganoon na rin sya)


talangka: ano ang ginagawa mo hayop 1, bakit ka nakatunganga?
hayop 1: meron akong ginagawa
talangaka: ano ang ginagawa mo?
hayop 1: gumagawa ako ng wala
talangka: asan ang ginagawa mo. hindi ko makita?
hayop 1: nakikita mo yan. yang kalawakan na yan. yan na ang aking nagawa.
(with illustrations nga pala ang librong ito)
talangka: talga. ang dami mo namang nagawang wala. igawa mo din ako ng wala a.
hayop 1: wag na busy ako
talangka: busy ka saan?
hayop 1: edi sa pag gawa ng wala
talangka: e pano mo malalaman kung tapos na ang pag gawa mo ng wala
hayop 1: basta, malalamn ko na lang yuntalangka:sige balitaan mo na lang ako pag tapos ka na sa pag gawa ng wala
(sorry d yan ung saktong salita. ipinahiram ko kasi yung libro e)
...yadiyadiyada...
tapos ung scene umalis ung talangka na nag mamadali ata kasi anging kalansay n lang si hayop 1 n hindi ko tanda kung anong hayop yun.

nakakaaliw na libro yan. kung alam ninyo ang title edi maganda, kung hindi naman e hindi naman ako pa hard to get. ito yun. takpan ko n lang yung title. bwahahaha...



baka makasuhan ng pagnanakaw kaya lagyan natin ng link ng pinagkunan ng pictures


yung talangkang iyan ang bida...

pero kung iisipin mo nga naman, kelan mo naman malalaman kung tapos ka na sa pag gawa ng wala. karamihan saating mga pilipino ay talagang mahilig gumawa ng wala. pero paano kung hindi naman wala ang ginagawa natin. pano kung nag iisip naman tayo. pero ang iniisip naman natin ay kung ano ang ating dapat isipin.

nalaman ko itong katripan na ito sa kalog kong tatay, na laging bumubili ng usaong damit at accesories DATI para ipasuot sa akin. iyong tatay ko tutunganga nalang minsan na para bang nag iisip ng isang bagay n malalim. tapos itatanong ng aking nanay "ano nnmn ang iniisip mo?!". at isasagot ng aking ama ay "iniisip ko kung ano ang dapat kong isipin." tamang sagot ba yun.
ngayon napag nilayan ko tuloy na marami palang trip na kasabihan ang ama ko. one of this blog days ishashare ko sanyo. gamitin nyo sa pang araw araw n buhay nyo. maaaliw kau. useful taga sya. d ko nga lang magamit sa kanya dahil sa kanya ko natutunan yun. baka mabatukan pa ako.
wow. wala pa ako amgawa sa lagay na ito e ito na ata ang pinaka mahaba kong post, d lang ata. io nga talaga.

basta tandaan nyo, hindi ko alam at d ko tanda uli ung exact,

Quoted lines, however neccesary, are irrelevant.

kung di nyo gets e sorry na alng. hindi ko din nagets. wat ever...


Isang Importanteng Babae

nakuha ko lang itong post na ito sa isang nabisita kong blog. nagandahang ako kaya ninakaw hiniram ko. hehe. lagay ko na lang ung kanyang link po... ito yun, name nya arvin...
pati ung pic na ginamit nya ilalagay ko. (puro na lang me sponsor ang bog site ko. hehe)





Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.


Tara makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.


Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong malilibog na foreigners ang namiyesta sa katawan ko, na-rape daw ako.


Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Hapon at Coño. Kase, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang mga naging anak ko. Parating ang dami naming regalo - may chocolates, yosi, ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit niya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami.


Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay. P*** ng I**! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula. Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.


Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin. Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe. ‘Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako.


Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya rin ang dami ng mga anak ko na nananamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.


Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa mga ahas na pinakilala ng mga anak ko Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa. Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko nalang ng pinagamit ang sarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak ko.
Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kase ang isang magandang tulad ko.


Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang mga anak ko naiwan sa aking punyetang puder? Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila. Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin. Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa’t isa. Walang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.


Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Isang buwan pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: “INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!”
Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako.


Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.


Pilipinas nga pala.
Powered By Blogger