Sunday, August 20, 2006

sa tahanan, sa may sementeryo, may maleta

andito ako sa sementeryo ng nakaraan. kung saan nag lalaro ang mga sugat na ngayon ay peklat na. mga sugat na nag papaalala ng maligayang nakaraan ng aking kabataan. masakit pero ito ay dala ng kaligayahan at kawalang iniisip sa mundo.



dito sa sementeryo ng mga ala ala, nakipag kita sa mga nasirang pag ibig at lumang laruan. nagtatampisaw sa luha ng sakit ng palo at luha ng pag liwasan ng minsang inirog. dito sa sementeryo ko nakikita ang kaligayahang aking gustong mulign balikan. gusto ko ng tumira sa sementeryong ito. ngunit hindi pwede.



sa sementeryo ko gusto tumira, kung ikukumpara sa bahay ng kasalukyan, kung saan ay kalamigan, pighati at pulos inis ang nadarama. sa tahanan ng ngayon kung saan ay ang ulam sa pang araw araw ay problema na kugn saan kapag ikaw ay nahirinan, nasamid o mabulunan ay walang tubig ng kaligayahang makikita. gusto ko nang iwan agn bahay ng kaslukuyan. ligaya ay hanapin. asan ka ligaya, makipag sayawan ka naman sakin. ako ay iyong lampungin sa dilim ng kaginhawaan. ilayo mo ako sa dilim ng tahanan ng kasalukuyan.



sinasabi nila sa tahanan, sila ang gabay ng iyong maleta ng kinabukasan. sa kanila mo makukuha ang mga damit na ilalagay sa maleta ng kinabukasan, ngunit bakit pulos sira sira ang damit na inyong ipinababaon. ano ang aking kasalukyan? ano ang aking hinaharap?



sawa na ako. tatahak ng ibang tahanan. ligaya, sama ka. tayo ay mamuhay ng mag isa, ngunit. kakayanin ko nga ba?



sa sementeryo na alng tau ng nakaraan. iwanan ang mapighating tahanan. tapusin na lang ang kasalukyan upanmg d na humantong sa magulong maleta ng hinaharap.



ngunit napag isipan. bakit kelangan tapusin gamit ang isang katangahang d n muli pang mababago. pwede namang gumawa ng panibagong simula. kung saan ay ang maiimpake mo sa maleta ay pulos bagong bagaheng iyong d pagsisisihan. lagyan mo ng ilang luma para makaalala pero damihan mo ang bago, upang mganda ang simula ng bukas na darating pa.
Powered By Blogger