Friday, October 05, 2007

dahil siya ay mahal ko na


Wala sa bokabularyo ko ang salitang move on o let go. Oo, nakaklimot ako, naiwawaglit sa isip ang mga maaring matatamis o mapapit na naranasan ko ngunit sa isang iglap na may muling magbuhay ng aking diwa sa alaala ng mga bagay na iyon ay muling magbabalik at magbabalik ang disposisyon ko sa mga bagay na naganap na.

Oo, madrama ako. Isang nilalang na nabubuhay na napupuno ng pighati at dalamhati sa buhay. Pilit ko na itong iniwawaglit sa aking sistema ngunit makailang bese na akong nabigo. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Ngunit sa kabutihang palad ay unti unti ng nababwasan ang pagdradramang ito

Oo, isa akong nilalang na pursigido. Isa akong pesimistang optimista. Kakaiba, naglalaban na ideya ngunit iyan ako. Pilit kong papanindigan ang mga bagay na alam kong ikakasaya ko sa huli kahit na puro pighati na ang aking nadarama at nararanasan. Hindi ko alam kung pano sumuko, kahit nakikita ko ng wala naming patutunguhan.

Oo, mahal ko siya, ngunit sapat na ba na mahal ko sya upang ipagpatuloy ko ang aking ginagawa? Ipagpatuloy na maging pursigidong makuha ang kanyang puso? Mahal ko sya, oo mahal ko sya, isang nilalang na ubod ng importante sa aking pagkabuhay. Oo, siguro masyado na akong nagiging ideyalistiko, tumitingin sa panaginip na aking ninanais. Nangangarap ng bulat ang parehong mata.

Naisip ko tuloy, oo, may mga nasasabi sakin ang nilalang na iyon. Meron syang nasasabing mga bagay na magaganda, nakakapagbahagi ng mga ekspiryensya at dalamhati. Ngunit gusto ko din malaman ang aking posisyon, ipagpapatuloy ko ba o hindi ang mga bagay na aking ginagawa? Ako ba ay may pwesto sa puso nya. Aminado akong ako ay laging nasa estado ng paranoya kaya naiisip ko din na baka naman sa isang nilalang na may puwang pa sa puso nya ay nasasbing isa lamang akong kaibigan at hanggang duon na lang.

Sinabi nyang hindi pa sya handa, ilan n ba sialng nagsabi sakin nun? Sabi ng iba ay oo, maaring hindi pa naghihilom ang puso nya, ang iba ay ibinabahagi sakin na ito ay isang palusot lamang. Hindi ko na alam. Mahal ko na sya. Ipagpapatuloy ko ba o sapat na iyon para ako ay sumuko na.

Ang alam ko ay mahal ko sya. Sapat na ba iyon para mag patuloy ay hindi isang balidong rason upang hindi ko ituloy ang aking pagtigil?

pahabol na talata. sana naman magkaroon ng sariling isip ang ibang tao at hindi nakikisakay sa ginagawa ng iba. magkaroon ka ng sarili mong distinksyon at wag kang magkaroon ng isang pagkataong gumagaya sa iba. hindi purkit gusto ng isa ay gugustuhin mo na rin at iisiiping dati mo pa ginusto ang bagay na iyon. magkaroon ka ng marka na pang sarili mo at hindi isang markang nailathala na ng iba.