ung (unang salamisim)
sa isang malayong mundo ng blog ay matatagpuan ang maraming kahariang pinamumunuan ng mga hariat reyna. mga kahariang hindi lahat nag kakasundo pero mas karamihan ang nagkakasundo at nagkkaroon pa ng alyansa. makikit ang mga alyansang ito sa links na nakalagay sa kanilang kaharian. pwede ka rin mag padala ng kuryrer gamit ang mga nilalang na tinatawag n tag. ipinapalabas ng mga tao ang kanilang hinaing sa mga nilalang na tag.
sa mundong blogista. tayo ay tututok sa dalawang kahariang kung saan ang isa ay may nakaaliw na musika. ito ay pinamumunuan ng taong pangalanan nating haring kanio. ang isang kaharian naman ay kung san makikita mo muna ang kanyang mga saloobin bago mo makita ang kanyang pagkatao. pangalanan nating syang haring biro.
dati ay kaalikayaw ng kasalukyang haring na binabasahan nyo ang mga haring ito. sila ang mga unang nakilala nya sa mundo ng blog kung saan ay isa siyang baguhan sa pamumuno. kabiruan at kaututang dila. sa mga nilalang na tag nagkakausap muna, nagpapalitan ng kuro kuro sa mga kumento sa mga saloobin.
minsan ay nakita ko si haring kanio sa isang realidad na mundo. kung saan mababangis ang mga tigreng nakadilaw. hindi ko ito pinansin sa kadahilanang sya ay napapalibutan ng mga babaeng kapwa reyna nya mula sa dating tinutuluyang institusyon.
dati sila ang kapaguran ng daliri sa pag papalitan ng utak nilalaman. ngunit nawalan na ng oras ang mga hari't reyna dahil dumating na nag panahon na papasok sa intitusyong natututo. ngaun wala na ako sa kanilang bokabularyo. ako ay kanila nang tinataguan at di sinisiphayo. wala na akong mgawawa. iniisip kolang sila dahil sila ang mga una kong nakilala. pero wala na ako magagawa kung mismong ang mga harin iyon ay lumalayo na. sino ba naman ako sa kanilang utak-nilalaman.
tama na ang pagdradrama. papasukin ang tagapagpaligaya. ito at pumasok ang dalawa pang hari. si haring utak-magulo at haring hedjie. sila na alng ang napag buntuhan ko ng aking mga saluobin.
(at sa aking pag iisa)
sa loob ng aking palasyong kinalalagyang ng portal sa ibang palasyo ay makikita mong malungkot ang nilalang na nag iisip. sabay bukas ang talapihitang nag papakita ng kalungkutan ng minsang relasyon aking inasam. ipinihit ang ikutan upang mamatay ang alalaalang lumalabas sa itim at puting kahong tumutunog pa. ngaun nakatitig sa portal at nag aantabay sa tunog ng parihabang teknolohiya kung saan ay isa ring portal sa mundong ginagalawan. ang mga dugo at pighati't minsang pinadala ay nawaglit na sa kakapiranggot na isipan. ngaun ay iniisip ang aking dapat kalagyan.
lumingon sa sulok ng kahariang kay liit at pinalilibutan ng mga dating ala ala. sunugin ko na ang mga ala alang iyon sa isip koy sumagi ngunit hindi ko kaya. dahil ang mga ala ala ay hindi material. sa pagsunog ko sa mga ala ala ay kasama ang pag kamatay ng nilalang. ang pagkaubos ng hininga. pag katuyot ng dugo at pagkata tigil ng pintig ng pusong minsang umibig
tama na. bumulat na at gisingin ang sarili sa bangungot ng nakaraan. ikaw ay sumakay na sa karwahe ng kinabukasan at iwanan ang dating kahariang iyong tinitirhan. ngaun ay baguhin mo na ang dating nakasanayan. iwanan sa kaarian ang mga bagay na gustong kalimutan. mag palit ng balat at magtago sa ibang pangalan. sa ganuong paraan ay makakalimot ka na sa mundong minsan mo ng inikutan, magsimula ng panibago. ang mundo ay malaki pa sa inaasahan mo.
hindi ko na matarok pa ang aking sarili. dapat na baguhin ang landas na tinatahak. tulungan mo ako.
at ngaun. ako ay muli ng nabuhay. ang pak pak ng dating uuod ay putol na. nagpumilit na muling maging uuod para sa mulng pag tubo ng pakpak ay iba na ang tatahaking landas. ngunit ang problema. ang pakpak ba ay muling tutubo pa.
(ginawa ko lang itong post na ito sa tagalog para makisabay sa buwan ng wika.. maraming salamat po...)