Monday, April 16, 2007

tapos na birthday ko

wala lng

nung 14

pero wala kang bati

pero ok lng

nakita ko ang picture mo, masaya

happy graduation ngayon

ano pa ba?

ganda ng pic message mo

Sunday, April 08, 2007

happy belated birthday





sabi ko nga taken ka na e
sa mga importanteng tao sa buhay mo

sabi ko nga in a relationship ka na e
sabi ko nga madami akong kaagaw sayo e

pero ang bilis naman

pero baka matagal na rin

nagmumukha na lang pala akong tanga

pero hindi pa naman ako sumusuko

d ko parin kaya e

sabi ko nga taken ka na e
sabi ko nga in a relationship ka e
pero kaya ko namang mag antay sayo

kaya ko namang mag antay ng panahon na iyon
yung panahong pansinin mo ulit ako at bigyan ng konting atensyon

ganon ka na kaimportante sakin e
ganon na ako tinamaan sayo e

andito ka o, sa puso at isip ko

pilit ko paring ginagawa ang mga bagay
gusto talga kita e, at hindi pa ako handa bumitiw

oo nga pala


belated happy birthday isang masayang belated happy birthday isang masigabong pag bati ng belated happy birthday


belated kasi alam ko ayw mo gaano binibigyang pansin ang mga importantesng bagay sa buhay mo.
tinext nmn kita nung araw na iyon e.

dapat me ibibigay ako kaso hindi ko natapos agad
siguro to follow na lang
hindi ko kasi nakuha yung mga kailangan ko

kaya iyong si yanyan na lang muna ang maibibigay ko

Friday, April 06, 2007

katanungan, kalimawan, iniirog asan ka


isa na lang ba ako sa nahumaling sa takbo ng kanyang isip
isa na lang ba akong ala alang kinalimutan at pilit na lalayuan
isa na lang ba ako sa mga taong humanga ngunit pinagbawalan na ng tadhana
isa na lang ba akong haharap sa mundo hindi ka kasama?
isa na lang ba akong tanga na pilit na nag hahabol at ginagawa ang lahat para lang muli kang makausap man lang

isang saglit lang na makita ang iyong mukha
isang sandali lang na marinig ang iyong boses
isang mensahe lang na magpapatunog sa aking selpon
isang bagay lang, makakapag pasaya na sakin ito

isang bagay na lang ang hinihiling ko sa ngayon,
isang simpleng bagay
isang simpleng pakakaibigan na lang
isang simpleng atensyon

na mag mumula sa iisang ikaw


ano pa ba ang aking magagawa
ano pa ba ang dapt kong sabihin
ano pa ang dapat kong patunayan?
ano pa ba ang dapat kong kalagyan
ano pa ba ang dapat kong ibigay

saan ba kita makikita
saan ba ako pupunta
saan ako pupwesto
saan ba talaga ang daan patungo muli sayo
saan ang daan papunta sa puso mo

kailan darating ang araw na akoy muling bibiyayaan ng pansin
kailan darating na ako ay iyong muling papansinin
kailan darating ang araw na ako ay iyong mapapgbigyan
kailan darating ang panahon n ako ay susuko

hindi pa ako handang bumitiw
hindi pa panahon
hindi pa tapos ang lahat
hindi pa ako handang sumuko
hindi pa panahon upang bitawan ka

ngunit paano kung ikaw ang lumalayo
ngunit paano kung ikaw ang nagtatago
ngunit paano kung ikaw ang umiiwas

saan ako lulugar
ano ang gagawiin
hindi pa ako handa sumuko

hindi pa dahil hindi pa kita napapasaya, hindi pa ako sumasaya ng sa kadahilanang ikaw ay masaya


(post note: sino kaya ang mysteryosong lalake sa profile mo?)

Wednesday, April 04, 2007

isang malaking kamalian

hindi mo dapat nagawang mag madali
hindi mo dapat ninamamadali ang mga bagay bagay
inuunti unti ang mga importanteng bagay
nagmamakaawa ako sayo dyosa, ako ay iyong pakinggan
nagkamali ng desisyon, nagmadali
ako ay bigyan pa ng pagkakataon
maaga pa para ako ay sumuko
maaga pa para ako ay bumitaw
alam kong pakikipag kabigan lang ang maiaalay mo
matatanggap ko yun, wag mo lang ako layuan

ano na ngayon ang aking magagawa?
gusto ko hingin ang tulong ng mga kinauukulan
gusto ko ako ay tulungan
sana ako ay muli nyang pansinin
kaso sino ang hihingan ko ng tulong, sino?

hmmm....

hindi pa ako handang sumuko..!

andito ako ngaun, nalulungkot at nagmumukmok sa kanto,
ng makilala kita nawala ang mga iniisip kong problema, ngaung lumalayo ka na, unti unting bumabalik ang mga bagay na nagpapapababa sakin
hindi ko ginusto ang ginawa ko, natanga lang ako at di ko alam ang gagawin ko.
hindi ko pa alam ang dapat kong gawin dahil kung sakali ikaw ang unang babaeng magiging kabiyak ko. sana hindi pa huli ang panahon

hindi pa kita mahal, dahil wala pa akong sapat na rason upang ibigin ka,
ngunit sapat ng gusto kita para ipakita sayo na importante ka para sakin

at ngaung lumalayo ka na,
pano ko pa ipapaktia ang importansyang iyon.

pero sabihin mo lang na itigil ko na ang pag bibigay ng bagay na ito ay ititigil ko, makukuntento sa pakikipag kaibigan wag ka lang mawala

nakatitig n lang ako sa bukas na browser ng pc ko nakatuong nag address sa isang blogsite kung saan may babaeng blak and wyt. ito lang ang natatangin litratong aking mapapagmasdan.
isang litratong naka bilog ang babaeng mukhang nakangiti. may nakalimbag sa ibaba nitong 6 na letra.
sabi nya
"she's cold and she's cruel but she knows what she's doing"

Sunday, April 01, 2007

nang mainlab si zeus

XIENAH
(ayan pinalitan ko na po)

hindi kita gagwing trial version ng bago kong blog

lingid sa iyong kaalaman, baliktad ang istilong naisip ko

gagawin ko ang blog na yun dahil susubukan kong mang ligaw sa isang tao gamit ang blog


trivia sa tungkol sakin

1. torpe ako
2. mahina ako sa babae
3. paranoid ako
4. insecure ako
5. takot ako makipag sabayan sa mga tao (kung me nang liligaw na iba either titigil ako o d ko n sisimulan)
6. takot ako sa mga nurse, kasi iiwan lang nila ako, pupunta sila sa states


ayun
pero ewan, gusto ko kalimutan ang mga sinabi kong yan
ika nga ng isang tao n nag ngangalang irish

N-urses are U-sually R-eserved for S-uccessful E-ngineer

kaya dapat maging succesful ako
at
nabasa ko sa isang lugar ang salitang "MAS"
sana isa akong "MAS"
wakeke...

dag dag na trivia sakin

7. hopeless romantic ako
8. apaka sweet ko
9. seloso ako
10. pag nagmahal malalim
11. yakap at halik ang ultimate kaligayahan ko
12. matipid ako mag regalo, resourceful ako, kung makakgawa ng sariling regalo mas ok, special na matipid pa
13. galante ako sa mahal ko, pero minsan lang kasi wala akong pera, poor lang kami
14. mahina ako harap harapan, matapang ako sa text at sa chat at sa telepono, pag tumagal sa personal na
15. i like red, means passion
16. medyo mapili sa pag kain

at marami pang iba


iba na talga ang inlab

"sana nag sisimula sa letrang Y ang love"

(bahala n kau igets, hehe)