Saturday, March 10, 2007

sino si chard?

ako ay kasalukuyang nagugulumihan dahil sa hindi ko matanto ang tunay na katauhan ng taong nag kumento sa aking tag board na nag aangkin ng pangalang CHARD

ikaw ba ang dating richard na kablog ko?

ikaw ba ang dating eic ng tem na hindi ko naabutan?

ikaw ba ang kaklase kong napaka imposibleng bumisita sa blog ko?

ikaw ba ang dati kong kaibigang galit na galit sakin dahil sa nagawa ko at hindi ako mapatawad?

sino ang mahiwagang chard

wala man lang link na patungo sa iyong blog, o site o kung ano pa man.
wala langhayaan mo mahiwagang chard, ioniisip ko na ikaw ung taong galit sakin dahil ikaw lang ang bumibisita sa blog ko na ganyan name kaso imposobleng bumisita ka nga kasi galit ka sakin, at kung yung eic naman namin dati, hmmmm, pede rin

a basta, sige, gagawan ko ng paraan na inyong pagninilayan na ang mga talinhaga at ekspiryensang hindi puno ng pagdradrama,

pipilitin kong muling mag lagay ng kakornihan, impormatibo at kung ano pa man.

maraming salamat po