Friday, April 06, 2007

katanungan, kalimawan, iniirog asan ka


isa na lang ba ako sa nahumaling sa takbo ng kanyang isip
isa na lang ba akong ala alang kinalimutan at pilit na lalayuan
isa na lang ba ako sa mga taong humanga ngunit pinagbawalan na ng tadhana
isa na lang ba akong haharap sa mundo hindi ka kasama?
isa na lang ba akong tanga na pilit na nag hahabol at ginagawa ang lahat para lang muli kang makausap man lang

isang saglit lang na makita ang iyong mukha
isang sandali lang na marinig ang iyong boses
isang mensahe lang na magpapatunog sa aking selpon
isang bagay lang, makakapag pasaya na sakin ito

isang bagay na lang ang hinihiling ko sa ngayon,
isang simpleng bagay
isang simpleng pakakaibigan na lang
isang simpleng atensyon

na mag mumula sa iisang ikaw


ano pa ba ang aking magagawa
ano pa ba ang dapt kong sabihin
ano pa ang dapat kong patunayan?
ano pa ba ang dapat kong kalagyan
ano pa ba ang dapat kong ibigay

saan ba kita makikita
saan ba ako pupunta
saan ako pupwesto
saan ba talaga ang daan patungo muli sayo
saan ang daan papunta sa puso mo

kailan darating ang araw na akoy muling bibiyayaan ng pansin
kailan darating na ako ay iyong muling papansinin
kailan darating ang araw na ako ay iyong mapapgbigyan
kailan darating ang panahon n ako ay susuko

hindi pa ako handang bumitiw
hindi pa panahon
hindi pa tapos ang lahat
hindi pa ako handang sumuko
hindi pa panahon upang bitawan ka

ngunit paano kung ikaw ang lumalayo
ngunit paano kung ikaw ang nagtatago
ngunit paano kung ikaw ang umiiwas

saan ako lulugar
ano ang gagawiin
hindi pa ako handa sumuko

hindi pa dahil hindi pa kita napapasaya, hindi pa ako sumasaya ng sa kadahilanang ikaw ay masaya


(post note: sino kaya ang mysteryosong lalake sa profile mo?)