andito ako sa sementeryo ng nakaraan. kung saan nag lalaro ang mga sugat na ngayon ay peklat na. mga sugat na nag papaalala ng maligayang nakaraan ng aking kabataan. masakit pero ito ay dala ng kaligayahan at kawalang iniisip sa mundo.
dito sa sementeryo ng mga ala ala, nakipag kita sa mga nasirang pag ibig at lumang laruan. nagtatampisaw sa luha ng sakit ng palo at luha ng pag liwasan ng minsang inirog. dito sa sementeryo ko nakikita ang kaligayahang aking gustong mulign balikan. gusto ko ng tumira sa sementeryong ito. ngunit hindi pwede.
sa sementeryo ko gusto tumira, kung ikukumpara sa bahay ng kasalukyan, kung saan ay kalamigan, pighati at pulos inis ang nadarama. sa tahanan ng ngayon kung saan ay ang ulam sa pang araw araw ay problema na kugn saan kapag ikaw ay nahirinan, nasamid o mabulunan ay walang tubig ng kaligayahang makikita. gusto ko nang iwan agn bahay ng kaslukuyan. ligaya ay hanapin. asan ka ligaya, makipag sayawan ka naman sakin. ako ay iyong lampungin sa dilim ng kaginhawaan. ilayo mo ako sa dilim ng tahanan ng kasalukuyan.
sinasabi nila sa tahanan, sila ang gabay ng iyong maleta ng kinabukasan. sa kanila mo makukuha ang mga damit na ilalagay sa maleta ng kinabukasan, ngunit bakit pulos sira sira ang damit na inyong ipinababaon. ano ang aking kasalukyan? ano ang aking hinaharap?
sawa na ako. tatahak ng ibang tahanan. ligaya, sama ka. tayo ay mamuhay ng mag isa, ngunit. kakayanin ko nga ba?
sa sementeryo na alng tau ng nakaraan. iwanan ang mapighating tahanan. tapusin na lang ang kasalukyan upanmg d na humantong sa magulong maleta ng hinaharap.
ngunit napag isipan. bakit kelangan tapusin gamit ang isang katangahang d n muli pang mababago. pwede namang gumawa ng panibagong simula. kung saan ay ang maiimpake mo sa maleta ay pulos bagong bagaheng iyong d pagsisisihan. lagyan mo ng ilang luma para makaalala pero damihan mo ang bago, upang mganda ang simula ng bukas na darating pa.
15 comments:
Halika, sabay tayong mamuhay ng mapayapa.. mamuhay sa isang bagong mundo... Na walang problema at lahat ay masaya... Tahimik, presko at sadyang maginhawa... Mamuhay tayo ng bago... New beginning, new tomorrow, new life...
Kaya mo yan... :) nice post, madamdamin :)
wow ha! ang drama mu! hehe! joke lang po... nainintindihan ko naman na lahat tayo'y kinakailanagng mag drama paminsa minsan...
nice looking blog, but have no idea what is written ... lol lol lol
napapasobra na ata anf pag dradrama ko
hmmmm
cant think of any good post lately...
6 in a row nostalgic posts from different bloggers.
C'mon... ^_^ WHohoo!
marami pang landas
ang naghihintay
para tahakin mo.
kung patuloy mong
babalikan
ang sementeryo ng nakaraan
hindi lamang
ang katawan mo
ang mamamatay.
pati ang iyong
buong pagkatao.
May your past R.I.P.
There...
oh well.
nice analysis; past as a cemetery of loneliness and disappointments.
"sa tahanan nang ngayon kung saan ang ULAM sa pang-araw araw ay problema na kung saan ikaw ay nahihirinan, nasasamid o nabubulanan.....walang tubig ng kaligayahang makikita."
well done. one of my fave posts from you! keep it up. :)
http://utakgago.blogspot.com
wow. ang lalim. phew..
*nosebleed*
but nicely written.
hukay tayo! ;p
sementeryo 8-} kakatakut madaming muumuu XD baka pagkamalan pa nila akong zombie XD
ang ganda.. bkt nga pla sa sementeryo pa? hakhak
sementeryo kasi
dba ang nakaraan ay nakabaon n sa nakaaan a d n pede pang balikan.
kung babalikan man d m n uli pede ulitin
bisita lng
kelangan mo ng aparador para itago muna yung mga laman ng maleta mo... para d mo lagi dala kung san ka pupunta... parang sementeryp din ung aparador pero pwede mong piliin ung ilalagay mo dun.
pag d mo lagi dala ang maleta... gagaan pakiramdam mo.
Hindi pa pala ako nakakacomment dito! hehe!
Ang masasabi ko lang, Punong puno ng emosyon ang post mong ito. Ang galing mo palang gumawa ng artistic na post using tagalog. Hindi ko kaya yan! LOL! :)
Post a Comment