Friday, March 23, 2007

sawa na ako

natapos na ang hell week

natapos na ang 4 hours na exam dahil mag kasunod ang finals at quiz 4

natapos na ang mga projects nagumastos ng napaka laki at shooting na considered parehong final exam

tapos na ang puyatang pag rereview ng mga subjects na walang kwenta

tapos na ang pag gising ng maaga para lang mag aral at hindi malate

tapos na ang lahat




at




simula na ang summer

hindi ako makakapag summer

ergo

tatagal ako ng another 1 year sa ust

5 years ang kinuha kong kurso

4th year na ako ngayon

means

sana baka maaaring 2009 ako grumadweyt




sawa na ako mag aral pero wala ako magagawa

kung me inspirasyon lang sana, masaya na ang buhay ko





maraming salamat po

3 comments:

ahnjellie said...

Alam ko nararamdaman mo kuya. Sumagi ka kasi sa isipan ko nung nag-usher ako sa Baccalaureate Mass nung Biyernes... nung nakita ko si Kuya Earlzon. Naisip ko rin, sila... mga kasabayan mo eh magtatapos na nung mga panahon na 'yon... (at ngayon ay nakapagtapos na nga sila) samantalang ikaw, may natitirang isang taon pa sa Engineering.

Medyo nararamdaman ko rin yan, kahit wala pang magtatapos ang mga kasabayan ko. Minsan kasi, nsasabi sa usapan na "Oh, two years na lang, gagraduate na tayo!!!" at napaisip pa ko non!!! nagbilang pa ko't nasabi ko sa sarili ko "Gaga, tatlong taon ka pa nga pala sa Engineering!!!" LMAO.

Oh well, okay lang yan kuya, kahit 2009 ka na grumadweyt... 'wag mo nga lang kalimumutang umattend ng graduation kasi ganon ang nangyari kay Kuya Jaime, nabanggit daw siya sa batch '07 pero nasa trabaho siya. *sweatdrop*

ako, basta manatili ako sa eng'g... masaya ako, sa ngayon kasi nanganganib ako. ipagdasal mo po kaluluwa ko na walang bagsak mi isa, dahil gusto ko pa makapiling ang mahal kong Engineering, mga kaibigan ko, ang mahal kong pamilya sa TE... mga kuya ko (kasama ka don) at ang yung Downy... (HaHaHa *jowk*)

Ang dami kong sinabi, parang gumawa na ko ng post at hindi comment. Pasensya na sa pagiging trying hard ko mag-tagalog... alam ko namang english ang forte ko. Wala lang, INSULTATION na kasi bukas... este CONSULTATION pala... ay nako.

At teka... wala ka pong inspirasyon? Ano tawag mo dun ke anoh... anoh... alam mo na po 'yon XD

P.S. Sama ka po swimminar!!!

ahnjellie said...

ngayon ko lang napansin na lagpas 12 AM na pala... so hindi na "bukas" ang INSULTATION, mamaya na... *dasal*

Donya Quixote said...

haaaay... buhaaay...

at least... one sem down!

Powered By Blogger