Sunday, September 03, 2006

ako ay namatay at muling nabuhay

>> ako ay nakihimlay na sa kabaong ng desperasyon. sira na ang anyo sa madlang tao. ngunit aking napagtanto, bakit kailangan kong manatili sa kabaong na kinahihimlayan. bangon at harapin ang kasalukuyan.

>>sa hukay pilit kong inilabas ang kamay, hangin na kay lamig ang dumampi.handa na ba akong muling magparamdam sa mundo?

>>sa ag iisip, oo... handa na ako!

ako ay namatay at muling nabuhay

>>ngayon, ang pag dati kong sariling puno ng dampi ng kasaklapan, ay handa ng ipakita ang bagong ako. patawad ay hinihingi parin, ngunit sa pag hingi ko nito ngayon ay iba na ako. kagaguhan ng mundong dati kong iniikutan ay wala na. sa ibang paraiso n ako naninirahan. iniwaglit na ang panget sa dating ako. misan ng namatay at natauhan, ngayon ay muling nabuhay upang ayusin ang sulong ipinakita sa madlang mundo. sana ako ay inyong pagbigyan ng isa pang muling pag kakataon.

ako ay namatay at muling nabuhay

>>ang nakaraan ng sa buahy ay nakagawa ng msama. mundo ay binaboy at dinungisan ang ideyang madumi at puno ng kagaguhan. nadapa sa kapatagan ng apoy at bakal na tinik. namatay at binaon sa hukay. ngayon mulin bumangon upang ayusin ang kamalian.

ako ay namatay at muling nabuhay

>>tignan nyo ako, tao sa bilang ng daliri sa kanang kamay.. iba na ako.

>>tignan mo ako, kapwa tomasino. kung iyon mang dati kong nagawa ay iyon ikinagalit, ipag patawad m n lang. sabihin n lang nating wala ako sa sarili. mahirap amng mangako ay gagwin ko parin. sa pag ulit ng nasabing gawain at hindi ko na muling ipapakita sa hinaharap.

>>tignan mo ako, batang dati ng ginago. ang dating ginawa ay pawang pakikipag gaguhan, seryoso ay hindi. ginawa ang upang makipag biruan. hindi ni minsan kong ginusto na pagsamantalahan ang iyong kamusmusan.kung ikaw man ay nadismaya sa nangyari ito ay hindi na muling gaganapin sa kinabukasan ng bawat bukas na padaan mula kahapon.

>>tignan mo ako, iiidolong may mataas n katungkulan. sa lahat ay inakala ko na ikaw an gmakakaintindi, pero ako ay nagkamali. namatay sa ideyang kaya mo sana akong ipagtanggol, hindi hindi m pala magagawa iyon. pero baluktot man ang ideya mo sa nilalang na ako, sa panahon na parating, babaguhin ko ang iniisip mo. importante k n rin sakin.

>>tignan mo ako at magpahinga munsa sa pagsusulat ngsagot sa mga taong matanong. hinayaan na lang sana kitang maging maging maligaya ng walang alinangan. mali ang ginawa, gunit baka naman sa ngaun ay masaya ka na. nakalimot ka na sa taong ako, maraming salamat at hayaan mo, makakabawi din ako sayo.

>> tignan mo ako, nilalang na nangibang bansa. ako ay nagpapasalamat at iyo akong naintindihan. wala man akong pinahahawakan ay tiwala na ang iaalay ko s iyo.

ako ay namatay at muling nabuhay. at kung muling mamamatay man sa parehong kadahilanan , ayoko ng mabuhay pang muli. dahil nangangahulugan lan ng aking muling pagkamatay sa parehong rason na hindi ako natuto sa kamaliang minsan ko ng nagawa

16 comments:

& said...

sensya na rin tol.

ano pa ba masasabi ko?

wala. patawad na lang.

icarus_05 said...

...iiyak nko.. haay..

madaming typo, pero understandable nmn ang mensaheng nais mong iparating... kaya mo yan... nandito kami...

xoxiRiSH_29xox said...

haha...lagooot ka kevin..nyenye...

(actually c kevin lng ung nakilala ko sa lima...waaaa)

kuya zord....wag ka maxadong madrama....anlalalim kc ng iyong mga kuro-kuro eh...mapagtanto ko tuloy na.......na napakahirap mag tagalog ng malalim...


nye nye nye..


kulit ko tlga..

XD

zeus-zord said...

irish

hehe ganito tlga ang kuya mo... wakekek..

vinx

dba dapat ako ang nagsosorry... pero anyway... basta...

icarus

salamat sa pag aalala, pero unahin mo muna ung sau... wakekeke

Jigs said...

Once again, you wrote really well in tagalog. Is the last part about different people or bloggers? Sorry ah, hindi ako makarelate. LOL. :)

Jinjiruks said...

quarter life crisis?

Anonymous said...

jigs --- hmmm

sila po ay specific n tao

wakekeke....


jin --- anong pong quarter life crisis?

Riker said...

what can i say??!!!.. intense!!

Anonymous said...

Honestly, Zord, I really don't know what to say.

Be happy, okay? May darating at darating para sa iyo.

zeus-zord said...

ang unti...

anyway

thanks po mga passer by

Anonymous said...

bakit ano ba ang nangyari sa iyo?

Anonymous said...

ui.. bago toh ha..

A.Fuentes said...

ello! Buhay na blog ko! Daan ikaw ha, ikaw pa lang ang link ko! yehey =p

Anonymous said...

Hmmm... jeopardy.

Basta. Mabuhay ka. You're back.

Anonymous said...

sinusubukan ng aking isipan
na matalos ang mensahe
na nais mong iparating
ngunit ako ay nabigo.
kung iyong mamarapatin
ako ay nagpapahayag lamang
ng kuro kuro
sa mga bagay na
ako ay may sapat na kaalaman.
hindi ako maaaring
magsalita sa mga bagay
na wala akong kinalaman.
kung ano man
ang mga paglaban
na hinaharap mo ngayon.
manalig ka.

xienah-
http://parapnasia.blogspot.com

Donya Quixote said...

sorry, di talaga ako makarelate...

pero... smile ka naman jan... tatanda kang maaga kung forever ka nag-eemo... ISMAYL! ^_^

Powered By Blogger