Sunday, August 20, 2006
sa tahanan, sa may sementeryo, may maleta
dito sa sementeryo ng mga ala ala, nakipag kita sa mga nasirang pag ibig at lumang laruan. nagtatampisaw sa luha ng sakit ng palo at luha ng pag liwasan ng minsang inirog. dito sa sementeryo ko nakikita ang kaligayahang aking gustong mulign balikan. gusto ko ng tumira sa sementeryong ito. ngunit hindi pwede.
sa sementeryo ko gusto tumira, kung ikukumpara sa bahay ng kasalukyan, kung saan ay kalamigan, pighati at pulos inis ang nadarama. sa tahanan ng ngayon kung saan ay ang ulam sa pang araw araw ay problema na kugn saan kapag ikaw ay nahirinan, nasamid o mabulunan ay walang tubig ng kaligayahang makikita. gusto ko nang iwan agn bahay ng kaslukuyan. ligaya ay hanapin. asan ka ligaya, makipag sayawan ka naman sakin. ako ay iyong lampungin sa dilim ng kaginhawaan. ilayo mo ako sa dilim ng tahanan ng kasalukuyan.
sinasabi nila sa tahanan, sila ang gabay ng iyong maleta ng kinabukasan. sa kanila mo makukuha ang mga damit na ilalagay sa maleta ng kinabukasan, ngunit bakit pulos sira sira ang damit na inyong ipinababaon. ano ang aking kasalukyan? ano ang aking hinaharap?
sawa na ako. tatahak ng ibang tahanan. ligaya, sama ka. tayo ay mamuhay ng mag isa, ngunit. kakayanin ko nga ba?
sa sementeryo na alng tau ng nakaraan. iwanan ang mapighating tahanan. tapusin na lang ang kasalukyan upanmg d na humantong sa magulong maleta ng hinaharap.
ngunit napag isipan. bakit kelangan tapusin gamit ang isang katangahang d n muli pang mababago. pwede namang gumawa ng panibagong simula. kung saan ay ang maiimpake mo sa maleta ay pulos bagong bagaheng iyong d pagsisisihan. lagyan mo ng ilang luma para makaalala pero damihan mo ang bago, upang mganda ang simula ng bukas na darating pa.
Monday, August 14, 2006
kakornihan part2
putututs: Jesus, bigyan mo naman po ako ng bike. maraming salamat po.
sana matupad ang hinihiling ni pututoy ke Jesus. at dumating na si nena. habang nag lalakad kami e naririnig ko syang nag ha-hum ng isang kanta. tapos biglang sambit nya.
nena: alam mo ba yung kantang "come back to me"?
ako: hindi e. tsaka hindi ko malapat sa hina-hum mo na kanta yung come back to me. d pamilyar
nena: di mo alam yun. yung bang
Come back to me bok ang puso, wala ka na magagawa kundi pigilin to.
come back tumibok ang puso, lagot ka na, siguradong huli ka.
jaran jaran, jararan...
ako: a wat ever.
natahimik uli ang usapan namin ni nena, mukhang seryso sya sa sinabi nya. nabara ko ata. sabay humirit uli sya.
nena: e yung kantang itlog beef prok liver?
ako: sge na sirit na
nena: anong sirit? d mo alam yun. yun bang
when i fall in love, itlog beef pork liver, or ill never fall in love... agin....
ako: o sya. bahala ka sa buhay mo. uuwi na ako.
nena: ha? ano ba nagawa ko bigla ka naging ganyan.
iniwan ko na si nena. at umuwi. natulog sa may kama ko at andun parin ung unang nag sasalita. pero tinanggal ko na iskats teyp. pero nakalayo parin kasi takot parin ako sa kanya. kunyari na lang d ko naririnig n nag sasalita siya.
tapos nagising ako kina bukasan. nagsimba muna ako. andun pala si pututoy ulit. pinakinggan ko dasal nya baka kasi magpapasalamat ke Jesus. narinig ko
putututs: jesus. penge ako ng bike!
aba, humihingi parin. aun. nagdasal na lang ako at umalis na. makasalubong ko si jenina, tinanong ko kung musta na sya.
jenina: ok naman.
nakasalubong ko din si ranico, kinamusta ko din.
ranico: ok naman.
ayun. ok naman pala silang dalawa.
at sa hindi inaasahang pagkakataon nagkasalubong kami ni nena
nena: oi, me bago akong natutunang kanta. alam mo yung hey busy?
ako: sige na, go, kantahin mo na parang awa mo na. ng amtapos na to.
nena: ganito ung e..
hey busy d e f g, h i j k l m n o p ..
umalis n langako bigla.. nakakapawalang gana. umuwi n lang at muling natulog.
kinabikasan ay napadaan uli ako sa simbahan dahil me kukunin ao ke father. hindi ko na nakita si pututoy, pero napansin kong nawala ang imahe ni Mama Mary. at may nakalagay pang sulat..
Jesus, hostage ko nanay mo. ibigay mo na yung bike. loves pututoy.
hay ang mundo nga naman... aun umuwi n lang ako. nga pala. ang pangalan ko mark
nung naglalakad ako me tumwag sakin sabi, "mark mark!!"
lumingon ako at walang nakita.. nag lakad uli ako, may tumawag ulit. "mark, mark!"
kinabahan na ako kasi wala paring ako nakikitang ibang tao..
at nag lakad n lang muli ako. me tumawag uli, "mark mark!"
tumakbo na lang ako. natigilan ako ng makita ko ang karatulang. "Babala, ngo ngong aso!"
at dyan nanaman natatapos ang kakornihan ko.
Tuesday, August 08, 2006
salamisim saloobin..
ung (unang salamisim)
sa isang malayong mundo ng blog ay matatagpuan ang maraming kahariang pinamumunuan ng mga hariat reyna. mga kahariang hindi lahat nag kakasundo pero mas karamihan ang nagkakasundo at nagkkaroon pa ng alyansa. makikit ang mga alyansang ito sa links na nakalagay sa kanilang kaharian. pwede ka rin mag padala ng kuryrer gamit ang mga nilalang na tinatawag n tag. ipinapalabas ng mga tao ang kanilang hinaing sa mga nilalang na tag.
sa mundong blogista. tayo ay tututok sa dalawang kahariang kung saan ang isa ay may nakaaliw na musika. ito ay pinamumunuan ng taong pangalanan nating haring kanio. ang isang kaharian naman ay kung san makikita mo muna ang kanyang mga saloobin bago mo makita ang kanyang pagkatao. pangalanan nating syang haring biro.
dati ay kaalikayaw ng kasalukyang haring na binabasahan nyo ang mga haring ito. sila ang mga unang nakilala nya sa mundo ng blog kung saan ay isa siyang baguhan sa pamumuno. kabiruan at kaututang dila. sa mga nilalang na tag nagkakausap muna, nagpapalitan ng kuro kuro sa mga kumento sa mga saloobin.
minsan ay nakita ko si haring kanio sa isang realidad na mundo. kung saan mababangis ang mga tigreng nakadilaw. hindi ko ito pinansin sa kadahilanang sya ay napapalibutan ng mga babaeng kapwa reyna nya mula sa dating tinutuluyang institusyon.
dati sila ang kapaguran ng daliri sa pag papalitan ng utak nilalaman. ngunit nawalan na ng oras ang mga hari't reyna dahil dumating na nag panahon na papasok sa intitusyong natututo. ngaun wala na ako sa kanilang bokabularyo. ako ay kanila nang tinataguan at di sinisiphayo. wala na akong mgawawa. iniisip kolang sila dahil sila ang mga una kong nakilala. pero wala na ako magagawa kung mismong ang mga harin iyon ay lumalayo na. sino ba naman ako sa kanilang utak-nilalaman.
tama na ang pagdradrama. papasukin ang tagapagpaligaya. ito at pumasok ang dalawa pang hari. si haring utak-magulo at haring hedjie. sila na alng ang napag buntuhan ko ng aking mga saluobin.
(at sa aking pag iisa)
sa loob ng aking palasyong kinalalagyang ng portal sa ibang palasyo ay makikita mong malungkot ang nilalang na nag iisip. sabay bukas ang talapihitang nag papakita ng kalungkutan ng minsang relasyon aking inasam. ipinihit ang ikutan upang mamatay ang alalaalang lumalabas sa itim at puting kahong tumutunog pa. ngaun nakatitig sa portal at nag aantabay sa tunog ng parihabang teknolohiya kung saan ay isa ring portal sa mundong ginagalawan. ang mga dugo at pighati't minsang pinadala ay nawaglit na sa kakapiranggot na isipan. ngaun ay iniisip ang aking dapat kalagyan.
lumingon sa sulok ng kahariang kay liit at pinalilibutan ng mga dating ala ala. sunugin ko na ang mga ala alang iyon sa isip koy sumagi ngunit hindi ko kaya. dahil ang mga ala ala ay hindi material. sa pagsunog ko sa mga ala ala ay kasama ang pag kamatay ng nilalang. ang pagkaubos ng hininga. pag katuyot ng dugo at pagkata tigil ng pintig ng pusong minsang umibig
tama na. bumulat na at gisingin ang sarili sa bangungot ng nakaraan. ikaw ay sumakay na sa karwahe ng kinabukasan at iwanan ang dating kahariang iyong tinitirhan. ngaun ay baguhin mo na ang dating nakasanayan. iwanan sa kaarian ang mga bagay na gustong kalimutan. mag palit ng balat at magtago sa ibang pangalan. sa ganuong paraan ay makakalimot ka na sa mundong minsan mo ng inikutan, magsimula ng panibago. ang mundo ay malaki pa sa inaasahan mo.
hindi ko na matarok pa ang aking sarili. dapat na baguhin ang landas na tinatahak. tulungan mo ako.
at ngaun. ako ay muli ng nabuhay. ang pak pak ng dating uuod ay putol na. nagpumilit na muling maging uuod para sa mulng pag tubo ng pakpak ay iba na ang tatahaking landas. ngunit ang problema. ang pakpak ba ay muling tutubo pa.
(ginawa ko lang itong post na ito sa tagalog para makisabay sa buwan ng wika.. maraming salamat po...)
i was tagged (natag ako)
10. playing ragna on my pc (pvt server)
10. maglaro ng ragnarok pribadong serber
9. seeing many have commented on my recent blogpost. lalo na kung ung mga taong gusto kong mag comment ang nag comment
9. makitang madami nag kumento sa pinost ko lalo na kung nag kumento yung mga taong gusto ko
8. seeing someone happy
8. mapasaya ang isang tao
7. a text message from the person i admire
7. teks meseyds mula sa taong hinahangaan ko
6. having someone appreciate my work
6. ang may pumuri sa ginawa ko
5. finishing something i started
5. matapos ang isang bagay na ansimulan ko
4. pizza, fries and/or rootbeerfloat
4. pizza, fries at/o ugat bir lutang
3. someone replying at my pm's at ym
3. may mag replay sa pm ko sa ym
2. having someone care for me
2. may mag alala sakin
1. waking up in the morning with a message on my phone
1. may makitang mensahe sakin sa telepono pag gising ko
susunod ay sina
1) ron
2) vinx
3) jhed
4) rob
5) rens
6) ghe
7) jigs
8) talamasca
9) bulitas
10) rowjie
Sunday, August 06, 2006
kakornihan naman...
kinabukasan may nakasalubong uli akong palaka. sabi nung palaka "kokak!".
ngaun naman ay may nakasalubong akong pusa.
sabi ko "meow!" sabi nung pusa "meow!"
sabi ko "meow!""meow!" sabi nung pusa "meow!"
sabi ko uli "meow!""meow!""meow!" sabi uli nung pusa "meow!"
tapos naaliw ako sabi ko "meow!""meow!""meow!""meow!" sabi nung pusa "ok ka lang boy?" tapos sabay alis.
nadepress tuloy ako kaya umuwi n lang ako. humiga sa kama ko at inakap ang unan.
lumabas na lang ako ng kwarto ko. malungkot ako kaya medyo napapaiyak ako.
ayun natulog n lang uli ako. nakalayo na ung unan na nagsasalita. iskats teyp ko n yung bibig nya kasi nakakatakot. pumasok n din ako sa kwarto kasi nakita ko ung umaaway saking pusa.
malamok. sabi ko sa sarili ko siguro pag pinatay ko yung ilaw hindi ako makikita ng mga lamok. kaya pinatay ko nga.
huhu
(ito ay kolensyon ng mga korning joke sa text at sa radyo. korni na pinost ko parin. ewan. aliw e)
this joke is dedicated to jhed na kakaisa isa kong kachat ngaun.. hehe..
Thursday, August 03, 2006
commercials muna....
touched naman ako at umabot sa gusto kong number ang mga comments..
hehe
hmmm
currently busy ako ngaun e. 3 days straight na puro exam, bukas meron uli.
kaw ba naman mag exam ng puro numero at computations. at d pa iyon prelims... its just a set of quizzes na ang kasunod sunod ng pag schedule. buti nga hindi pa nagkasabay sabay at na move ang prelims ng UST from next week to the week after.
naisipan ko ang boring pala ng blog ko. walang susubay bayang maganda. hindi naman ganun kaganda ang mga sinusulat ko at tipikal na ginagawa sa araw araw ko. nakita ko ang ke bulitas na sadyang ang lalim ng mga salita at napapaglaruan nya ang mga salita na parang batang naglalaro tubig, aliw n aliw n sya kasabay pa ng ag kaaliw ng tao sa kanya.. masasabi kong sya na ang isa sa mga idol ko sa blog world. sa kanya ko nga kinopya layout ko e.. hehe (ayan a.. todo sinasabi ko na. sorry dati d ko nasabi)
maganda din ang ke jigs dahil same as bulitas, ang lalim ng mga salita... lalo na ung template ng blog nya. fave color ko kasi ang red at ang morbid. ang saya. i like it.. at nasasayahan ako sa mga nakasulat.
namamangha naman ako dun sa kay rens dahil me sound pa ng mario. aliw. at ang mga escapade nya nakakaaliw ang pagkkasulat. sana dumaan ka dito. tagal mo ng d nabibisita sa blog ko.
ang ke jami naman ay sarap subaybayan ng love story nila ng kabiyak nya. sweet kasi nila e.
at sa kaibigan kong si adrian. pramis pag nabasa nyo maaaliw din kau. ang stilo ng blog nya ay comics style. napayo ko kasi dati n ang boring ng blog nya. kaya naisipan nyang gawing visual iyon. sa frienster nga lang...
dag dag pa. ke talamaska, isa pang aliw na blog dahil ang laim ng mga ingles. natututo ako.. hehe at ang layout nya ay aliw. gusto ko kasi ang pula talga.. hehe
ke kenzo naman ako ang gumawa kaya sinusubaybyana ko kung me mag kukumento. at ang medyo kilala ko kasi kaya sinusubaybayan ko.
lastly ke rob. it ang pinaka una kong idol sa blog. sya ang nag pauso ng woot.. aliw tlga...
so yun na lang muna. pag nakaluwag luwag na ako ay gagwin ko ang plano ko
antabayanan nyo na lang..
isang blog na kakagatin ng blogistang mundo. sana mag tagumpay
haha
yung mga d ko nga pala nabanggit. wag mag tampo. binisitita ko din kayo peo d ko n lang sinulat dito. wala lng. kasi baka akalaing spammer ang blog ko e. mahirap na. hehe.. parang yung ke jhed dati
pahabol si icarus. sana maaus n nga pala ang pinoproblema mo.. hehe.. buti k nga nanominate sa blog of the week e. ako indi...
hi to xienah na aliw ang page.. lalo na ung icon n maganda sa taas na doll.. basta.. ang ganda... pati ung interactive na ways to die and to do things pag d k mapaparusahan and vinx na makulit na nakakaaliw some how ung blog na seryoso n un n un...
--peace out